Walong grupo na kinatawan ng kababaihan ang nagsampa ng ethics complaint laban kay Senate Majority Leader Vicente Sotto III kaugnay ng kontrobersiyal niyang biro tungkol sa “naano lang” na babaeng single parent sa pagdinig ng Commission on Appointment (CA) para kay Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Judy Taguiwalo kamakailan.

Hiniling ng walong women’s group, kabilang ang World March of Women at Pambansang Koalisyon ng Kababaihan sa Kanayunan, na mag-inhibit si Sotto bilang chairman ng Senate ethics committee, parusahan ang senador sa pag-insulto sa mga single mother, pagsabihan ang mga kasapi ng CA na walang ginawa sa komento ni Sotto, at isailalim ang lahat ng senador at mga empleyado sa mga pag-aaral na pangangasiwaan ng Philippine Commission for Women.

Sinabi naman ni Sotto na karapatan ng mga nasabing grupo na magsampa ng reklamo, at sinabing sa kanyang panig ay humingi na siya ng tawad sa nangyari. (Leonel M. Abasola)

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho