Eugenie Bouchard,Maria Sharapova

MADRID (AP) — Malinaw ang mensahe ni Eugenie Bouchard kay Maria Sharapova.

Pinatalsik ng Canadian star ang karibal at dating world No.1 sa makapigil-hiningang 7-5, 2-6, 6-4 panalo sa second-round match ng Madrid Open nitong Lunes (Martes sa Manila).

Matikas na nakihamok si Bouchard, isa sa lantarang kritiko ng pagbibigay ng wild card entry kay Sharapova matapos mapaso ang 15-buwan banned sa Russuain superstar bunsod ng doping, para maisalba ang laro na tumagal ng mahigit dalawang oras.

ALAMIN: Mga dapat malaman at gawin upang maging ligtas sa ‘tsunami’

Tulad nang mga pangkaraniwang tagpo, sibil na nagkamayan ang dalawa sa harap ng mga opisyal at manonood.

Ito ang unang pagtatagpo ng dalawa mula nang tawaging ‘cheater’ ni Bouchard si Sharapova at sabihing nararapat lamang na ban for life ang ipataw na kaparusahan sa Russian poster girl matapos magpositibo sa ‘meldonium’ noong 2016 Australian Open.

"I definitely had some extra motivation going into today," pahayag ni Bouchard.

"I was actually quite inspired before the match because I had a lot of players coming up to me privately wishing me good luck, players I don't normally speak to, getting a lot of texts from people in the tennis world that were just rooting for me. So I wanted to do it for myself, but also all these people. I really felt support. It showed me that most people have my opinion, and they were just maybe scared to speak out."

Ngunit, sa court, tila walang sigalot sa kan ilang pagitan. Kapwa sila nakatuon sa kani-kanilang laro at puntos.

Nagtamo si Sharapova ng 49 unforced error at nahirapan sa kanyang service play, tampok ang siyam na double fault.

Nakakuha naman ang 60th-ranked Canadian ng 21 break opportunities, kabilang ang limang napuntos.

Ang Madrid Open ang ikalawang torneo na nagbigay ng wild card tiket kay Sharapova matapos mapaso ang suspension na ipinataw sa kanya. Umabot sa semifinal ang five-time Grand Slam champion sa Porsche Grand Prix sa Stuttgart, Germany.

Iginiit naman ni Sharapova na hindi niya kailangan na magtanim ng sama ng loob para magkaroon ng motivation sa laro.

"I'm just one of the two players out on the court," pahayag ni Sharapova. "Everything that surrounds myself, I don't pay attention to much of it. I've been part of this game for many years. I know what the drill is."