Iginiit ni Senate Minority Leader Franklin Drilon sa pamunuan ng Senado na dapat imbestigahan ang sinasabing “lobby money” sa pagbasura ng Commission on Appointments (CA) sa pagkakatalaga kay dating Environment Secretary Gina Lopez.

Aniya, mismong sa bibig ni Pangulong Rodrigo Duterte nanggaling na may “lobby money” na umikot para maibasura si Lopez.

“Sayang si Gina. I really like her passion. But you know how it is. This is democracy. And lobby money talks. May mga gusto akong tao pero hindi ko kontrolado ang lahat. Pero I share powers. That is the process of check and balances,” bahagi ng pananalita ni Pangulong Duterte sa Davao City.

Bahagi ng 25 na mga miyembrong bumubuo ng CA si Drilon na umaming pumabor siya kay Lopez sa “secret voting”.

National

UP, top university pa rin sa Pinas; Iba pang paaralan sa bansa, pasok sa Asian ranking!

(Leonel M. Abasola)