Nakiusap sa publiko ang isang opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) na suportahan at irespeto ang lahat ng single parents.
Ayon kay Fr. Jerome Secillano, executive secretary ng Permanent Committee on Public Affairs ng CBCP, aabot sa 13.9 na milyong Pinoy o 15% ng populasyon ng Pilipinas ang solo o single parents.
Aniya, hindi biro ang mga paghihirap ng mga magulang na mag-isang nagpalaki at nag-alaga sa kanilang anak.
Matatandaang inulan kamakailan ng batikos si Senador Tito Sotto sa litany niyang “naano lang” laban kay Department of Social Welfare and Development Secretary Judy Taguiwalo.
Humingi na ng paumanhin ang senador at tinanggap na rin ito ng kalihim. (Mary Ann Santiago)