Derrick Favors,Stephen Curry

‘Sweep’ ng Warriors nakaamba; Kerr, out na talaga.

SALT LAKE CITY (AP) — Malamig ang outside shooting ng ‘Splash Brother’. Walang problema, handa si Kevin Durant na umalalay.

Naitala ng one-time MVP at dating scoring champion ang ikalawang sunod na double-double performance sa naiskor na 38 puntos at 13 rebound para pagbidahan ang atake ng Golden State Warriors tungo sa 102-91 panalo kontra Utah Jazz sa Game 3 ng kanilang Western Conference semi-final series.

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

Naitala nina Curry at Thompson ang pinagsamang 7-for-29 sa field at 3-for-15 sa three-point range, sapat para maipasan sa balikat ni Durant ang laban ng Warriors para sa dominanteng 3-0 bentahe.

Tatangkain ng Warriors na maitala ang ikalawang ‘sweep’ sa postseason sa pagpalo ng Game 4 sa Lunes (Martes sa Manila) sa Utah.

Tangan ng Jazz ang 75-74 bentahe sa fourth quarter, ngunit, bumalikwas ang Warriors sa 10-4 run at hindi na lumingon sa karibal. Naisalpak nina Curry at Durant ang back-to-back three-pointer para hilahin ang bentahe ng Golden State sa 92-84 may 3:04 ang nalalabi sa laro.

Tumapos si Curry na may 23 puntos mula sa 6-for-20 shooting.

Nanguna si Gordon Hayward sa Utah sa nakubrang 29 puntos, habang nag-ambag si Rudy Gobert ng 21 puntos at 15 rebound.

Tulad sa nakalipas na dalawang laro, mabilis ang simula ng Warriors para makaabante ng 10 puntos sa first quarter.

Nakasalba ang Utah sa maagang ratsada ni Durant, kumana ng 22 puntos at anim na rebound sa break. Walang masyadong ambag ang second team ng Warriors at maagang na-foul trouble at nabigyan ng technical foul si Draymond Green.

KERR, OUT NA SA WARRIORS

Walang katiyakan ang pagbabalik sa bench ni coach Steve Kerr sa Golden State Warriors matapos sumailalim sa ‘spinal cord leak procedure’.

Ipinahayag ni team owner Joe Lacob ang kasalukuyang kalagayan ni Kerr sa panayam ng Bloomberg Radio.

Hindi sumama si Kerr sa Salt Lake City para sa Game 3 at nagpasuri sa kanyang doctor sa Duke University.

Sumailalim si Kerr sa operasyon sa likod may dalawang taon na ang nakalilipas, ngunit pinahihirapan siya ng komplikasyon. Pansamantalang humalili sa kanya si assistant Mike Brown simula sa Game 3 ng duwelo laban sa Portland Trail Blazers.

Tangan ng Warriors ang 7-0 marka sa playoffs para sa pinakamahabang winning streak sa postseason sa kasaysayan ng prangkisa.