Laro Ngayon

(Batangas City Coliseum)

5 n.h. – ROS vs Star

MANATILING nasa ikaapat na posisyon sa team standings ang tatangkain ng Star Hotshots sa pagsagupa sa Rain or Shine ngayong hapon sa road game ng 2017 OPPO-PBA Commissioners Cup na idaraos sa Batangas City Coliseum.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Nasa ikaapat na puwesto ang Hotshots taglay ang 5-2 karta kasalo ang Talk ‘N Text na sumabak laban sa San Miguel Beer Biyernes ng gabi sa Araneta Coliseum.

Taliwas ang kapalaran sa nakaraang huli nilang laban ang Elastic Painters at Hotshots na gaya ng Beermen at Katropa ay lalaro na wala ang ilang key players na kabilang sa Gilas Pilipinas na inihahanda ni coach Chot Reyes para sa SEABA Championships sa Mayo 12-18.

Hindi makakalaro para sa Elastic Painters na magtatangkang bumalik sa winning track kasunod ng 98-111 kabiguan sa Beermen si Raymund Almazan.

Wala naman sa Hotshots na nagwagi sa nakaraang laban kontra Blackwater,96-91, sina Jiovani Jalalon at Allein Maliksi.

Ganap na 5:00 ng hapon ang nakatakdang pagtutuos ng Rain or Shine at ng Star Hotshots na inaasahang dadagsain ng mga Batangueńo PBA fans. (Marivic Awitan)