payton copy copy

MAKIKIBAHAGI sina National Basketball Association (NBA) star Elfrid Payton ng Orlando Magic at dating WNBA player Sue Wicks sa gaganaping Jr. NBA Philippines 2017 National Training Camp sa Mayo 12-14 sa Don Bosco Technical Institute at MOA Music Hall.

Magsisilbi ring coach sina Payton at Wicks sa taunang Jr. NBA Alumni All-Star Game tampok ang mga premyadong Jr. NBA graduates sa bansa.

Ipinahayag ng NBA Philippines na tumaas ng 50 porsiyento ang bilang ng mga kalahok mula noong 2016 matrapos umabot sa kabuuang 30,000 ang lumahok sa qualifying round na ginanap sa Bacolod, Batangas, Cagayan De Oro, Cebu, Davao, Lucena, Metro Manila, at Puerto Princesa.

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

“I’m excited to visit the Philippines for the first time and experience the country’s enthusiastic basketball culture,” pahayag ni Payton sa opisyal na mensahe patra sa programa. “These young players have worked hard to be a part of this camp, and I can’t wait to get on the court with them.”

Hindi rin naitago ni Wicks ang pananabik na makasalamuha ang mga batang Pinoy na aniya’y determinado na umangat ang basketball skills.

“Having visited the Philippines before, I’ve seen firsthand the passion that young boys and girls here have for the game,” sambit ni Wicks. “I’m looking forward to the trip and to working with the Jr. NBA participants to help take their game to the next level.”

Tinanghal si Payton, drafted 10th overall sa 2014 NBA Draft, na NBA All-Rookie First Team noong 2015 kung saan naitala niya ang averaged 12.8 puntos, 6.5 assist, at 4.7 rebound kada laro.

Sumabak naman si Wicks at kabilang sa WNBA All-Star matapos mapili b ilang ikanim sa overall noong 1997 WNBA Draft.

Naglaro siya ng anim na season sa WNBA sa New York Liberty at nailuklok sa Women’s Basketball Hall of Fame noong 2013.

May kabuuang 37 lalaki at 37 babae ang nakapasa para sa Jr. NBA Philippines National Training Camp na itinataguyod ng Alaska. Napili ang finalist mula sa mga elimination sa Cagayan De Oro, Cebu, Manila, at Quezon, gayundin sa Alaska Power Camp sa Manila.

Sa pagtatapos ng National Training Camp, pipili ng walong lalaki at walong babae para sa Jr. NBA All-Stars at mabibigyan ng pagkakataon na makapanood ng NBA games kasama ang mga top player sa isinagawang programa sa iba pang bansa sa Asya.