SEOUL (AFP) – Binanatan ng North Korean state media ang mahigpit na kaalyado ng bansa at diplomatic backer nito na China, sinabing dapat magpasalamat ang Beijing sa proteksiyon nito.

Naglabas ang Korean Central News Agency (KCNA) ng komentaryo na nagbababala ng ‘’grave consequences’’ kapag lalo pang sinubukan ng China ang pasensiya ng North.

Kinokondena ng komentaryo na isinulat ni Kim Chol ang ‘’reckless remarks’’ ng China at idiniin na hindi matitinag ang determinasyon ng Pyongyang.

‘’The DPRK (Democratic People’s Republic of Korea) will never beg for the maintenance of friendship with China, risking its nuclear programme which is as precious as its own life,’’ ayon dito, gamit ang opisyal na pangalan ng North.

Internasyonal

‘Doraemon’ voice actor Nobuyo Oyama, pumanaw na

Idinagdag pa ng komentaryo na inilabas nitong Miyerkules na ang Pyongyang ang nagsilbing harang sa pagitan ng Beijing at Washington simula ng Korean War noong 1950s at ‘’contributed to protecting peace and security of China’’ kayat dapat na magpasalamat dito ang kaalyado.

Hindi rin dapat na subukin ng Beijing ang pasensiya ng North, at nagbabalang: ‘’China had better ponder over the grave consequences to be entailed by its reckless act of chopping down the pillar of the DPRK-China relations.’’