SAN MANUEL, Tarlac – Nasawi ang isang motorcycle rider habang grabe namang nasugatan ang angkas niya makaraang mabundol sila sa likuran ng isang Victory Liner bus sa highway sa Barangay San Agustin, San Manuel, Tarlac, nitong Lunes ng gabi.

Kinilala ni SPO1 Jesus Abad ang nasawing si Francisco Valdez, Jr., 54, driver ng Yamaha motorcycle (AO-18001), ng Bgy. Kita-Kita, Balungao, Pangasinan; habang grabe namang nasugatan ang angkas ni Valdez na si Garry Ganotice, Jr., 31, ng Bgy. San Pedro, Rosales, Pangasinan na ginagamot ngayon sa Dr. Chan Hospital sa Rosales.

Inaalam pa ang pangalan ng driver ng unit (CXT-436) ng Victory Liner na nakabangga sa motorsiklo. (Leandro Alborote)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog