DeMarre Carroll,LeBron James

Cavs at Rockets, dominante sa Game 1 ng semifinal.

CLEVELAND (AP) — Nakapagpahinga. Nakapaghanda. Muling nagwagi.

Hindi kinakitaan ng kalawang ang laro ng Cavaliers, sa pangunguna ni LeBron James, sa kabila ng mahabang panahong pahinga sa dominanteng 116-105 panalo laban sa Toronto Raptors sa Game 1 ng Eastern Conference semifinal nitong Lunes (Martes sa Manila).

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

Ratsada si James sa nakubrang 35 puntos, habang tumipa si Kyrie Irving ng 24 puntos para sandigan ang Cleveland sa ikalimang sunod na panalo sa postseason. Winalis ng Cavaliers ang Indiana Pacers, 4-0, sa first round.

"That was the mystery coming into the game, how we would come out?" pahayag ni James. "Obviously you prepare, you want to come out and play well, but you never know after an eight-day layoff. But the energy was phenomenal."

Bagsak naman ang Toronto sa 1-12 sa playoff opener at sa ikaapat na sunod na pagkakataon ay tinambakan ng Cavs sa playoff.

Nakatakda ang Game 2 sa Miyerkules (Huwebes sa Manila) sa Cleveland.

Nanguna si Kyle Lowry sa Raptors sa naiskor na 20 puntos at nag-ambag si DeMar DeRozan ng 19 puntos.

"They were well-rested, flying around — almost like a half a step quicker than we were all night," sambit ni Toronto coach Dwane Casey. "We've got to make adjustments as far as how we want to guard the paint and then get out to the 3.

Offensively, get cleaner looks."

ROCKETS 126, SPURS 99

Sa San Antonio, ipinalasap ng Houston Rockets ang pinakamasaklap na kabiguan sa Spurs sa series opener sa pangangasiwa ni coach Gregg Popovich sa Game 1 ng Western Conference semifinals.

Sumambulat ang outside shooting ng Rockets sa natipang 22-for-50 sa three-pointer, pinakamaraming three-point attempt at made na nagawa laban sa Spurs sa makasaysayang postseason ng San Antonio.

Anim na Rockets ang umiskor ng double figure, kabilang si Clint Capela na may 20 puntos at 13 rebound.

Nakatakda ang Game 2 sa Miyerkules (Huwebes sa Manila) sa San Antonio.

Umabante ang Houston sa 39 puntos, kabilang ang 30 puntos na bentahe sa first half, sa unang pagtatagpo sa playoff ng dalawang koponan mula nang magwagi ang Rockets sa 1995 Western Conference finals.