Patay at nagkalasug-lasog ang katawan ng isang lalaki nang masagasaan at makaladkad ng tren ng Philippine National Railways (PNR) sa Sampaloc, Maynila, kamakalawa ng gabi.

Halos hindi na umano makilala ang biktimang si Marvic dela Cruz, 34, beautician, dating residente sa lugar at ngayon ay nakatira sa San Jose del Monte, Bulacan, dahil sa tindi ng pinsala sa katawan.

Base sa ulat ng tanggapan ni Police Supt. Aquino Olivar, station commander ng Manila Police District (MPD)-Station 4, dakong 7:15 ng gabi nangyari ang aksidente sa southbound ng Maria Clara Street, kanto ng Antipolo St., Sampaloc.

Ayon kay SPO1 Christopher David, traffic investigator, naglalakad si Dela Cruz sa riles at hindi napansin ang paparating na tren hanggang sa siya ay nasagasaan at nakaladkad.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Ayon naman sa driver ng tren na si Arjon Catura, biglang tumawid ang biktima at hindi na umubra pa ang emergency break. - Mary Ann Santiago