Germany WTA Tennis Stuttgart

STUTTGART, Germany (AP) — Tila hindi nailayo ng suspensiyon si Maria Sharapova sa playing court.

Sa ikatlong sunod na laro mula nang matapos ang 15-buwang suspensiyon, naitala ng Russian poster girl ang magaan na panalo sa pagkakatong ito laban kay Anett Kontaveit ng Estonia, 6-3, 6-3, upang m akausad sa semifinal ng Porsche Grand Prix nitong Biyernes (Sabado sa Manila).

“I’m really enjoying myself,” pahayag ni Sharapova, kumana ng lima sa anim na break points.

'Iconic women!' Pinakamalaki at pinakamaliit na babae sa buong mundo, nagkita!

Sunod na makakaharap ng five-time Grand Slam champion si Kristina Mladenovic ng France, nagwagi kay Carla Suarez Navarro ng Spain 6-3, 6-2.

Nasilat naman ng last year’s runner up at home favorite Laura Siegemund si second-seeded Karolina Pliskova, 7-6 (3), 5-7, 6-3, sa larong umabot sa tatlong oras.

Mapapalaban ang wild card entry mula sa Stuttgart kay fourth-seeded Simona Halep, umabante nang gapiin si Anastasija Sevastova ng Latvia 6-3, 6-1.

Sinibak ni Mladenovic si two-time defending champion Angelique Kerber nitong Huwebes. Si kerber ay isa sa mga player na kritiko sa pagbibigay ng wild card entry ng organier kay Sharapova.

“I’m not someone that uses that as part of my comeback,” pahayag ni Sharapova, patungkol sa mga negatibong komento ng kanyang mga kabaro.

“My results have spoken for everything that I should speak for. And that’s all that matters. The biggest part of my comeback is what’s out on the court and I will leave it at that.”

“I didn’t back off, I didn’t back down and those are kind of the moments that I like putting myself into,” pahayag ni Sharapova, kampeon dito ng tatlong beses (2012-14).