Itinanggi ng Office of the Ombudsman na sila ang dahilan kung bakit mabagal ang pag-usad ng mga kaso sa ‘pork barrel’ scam sa Sandiganbayan.

Ayon kay Ombudsman Conchita Carpio-Morales, ang mga akusado ang nagpapatagal sa kaso dahil sa delaying tactics ng mga ito.

Binanggit ni Morales ang kaso ni dating senador Ramon “Bong” Revilla, Jr. na hanggang ngayon ay nasa pre-trial pa rin dahil sa maraming mosyon na inihain ng mga abogado nito sa Sandiganbayan at iniakyat pa sa Supreme Court. Ito rin aniya ang nangyayari sa kaso ni dating senador Jinggoy Estrada na kaliwa’t kanan din ang mosyon sa korte. (Jun Fabon)

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter