Laro sa Sabado

(EAC Sports Center)

6 n.g. -- FEU-NRMF vs EAC

7:30 n.g. -- PCU vs PNP

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

SUMANDAL ang defending champion FEU-NRMF-Gerry’s Grill sa explosibong tambalan nina Clay Crellin at Glenn Gravengard upang igupo ang Wang’s Ballclub-Asia Tech, 80-67, at itala ang ikalawang sunod na panalo sa 2017 MBL Open basketball championship kahapon sa Aquinas gym sa San Juan.

Si Crellin, ang 6-4 Filipino-Canadian sensation na nahirang na MVP sa nakalipas na taon, ay umiskor ng 15 puntos sa mga nakabibilib na tirada laban sa double-teaming defense ng Wang’s.

Si Gravengard, ang 6-1 Fil-German na umaasang mapansin sa local basketball, ay nag-ambag naman ng 13 puntos para sa Fairview, Quezon City- based Tamaraws nina coach Pido Jarencio at manager Nino Reyes.

Nakatulong din ng malaki ang beteranong si Erwin Sta. Maria na umiskor ng 10 puntos, lahat sa fourth quarter.

Magilas din ang laro nina ex-PBA star Jerwin Gaco, dating Lyceum standout Dexter Zamora at import Moustapha Arafat para sa Tamaraws, na nagpasiklab sa kanilang 27-17 iskor sa fourth quarter.

Ang panalo ay magandang follow-up para sa FEU-NRMF, na nagwagi din laban sa Victoria Sports-MLQU, 89-57, nung Abril 8.

Si PBA D-League veteran Mark Montuano ang nanguna sa Pablo Lucas-mentored Wang’s sa kanyang 26 puntos, kabilang ang apat na three-pointer.

Nag-ambag si Michael Juico ng 16 puntos, kasunod si John Tayongtong na may walo at Rey Publico na may anim sa losing effort ng Wang’s sa kumpetisyon na itinataguyod ng Smart Sports, Ironcon Builders, Dickies Underwear, Star Bread at Gerry’s Grill.

Ang Wang’s, nanalo sa Emilio Aguinaldo College, 82-81, nung Abril 8, ay bumagsak sa 1-1 kartada.

Samantala, dalawa pang teams --- newly-crowned UNTV Season 5 champion Philippine National Police at dating NCAA titlist Philippine Christian University-- ay maglalaro sa Sabado.

Ang PNP Responders ay pangungunahan nina Police Community Relations Group (PCRG) head Gen. Gilberto Cruz at Col. Jerome Balbontin at coach Eric Samson, habang ang PCU Dolphins ay pamumunyan nina PCU president Dr. Junifen Gauuan, ISPEAC head Dr. Putli Martha Ijiran, coach Elvis Tolentino at onsultant Loreto “Ato” Tolentino.

Iskor:

FEU-NRMF (80) - Crellin 15, Gravengard 13, Zamora 11, Sta.Maria 10, Gaco 9, Arafat 6, A.Santos 4, Diwa 4, Asoro 4, C.Santos 2, Doligon 2, Gumabay 0,

Wang’s- Asia Tech (67) - Montuano 26, Juico 16, Tayongtong 8, Publico 6, J. Lucas 4, L.Lucas 4, Enriquez 2, Salcedo 1, Rellores 0, Tallarin 0, Cudal 0.

Quarterscores:

19-13, 38-29, 53-50, 80-67.