race copy

TAPIK sa balikat ng Philippine Racing Commission (Philracom) ang pagbisita sa bansa at pagbibigay ng dagdag kaalaman ng mga eksperto mula sa abroad para sa kaunlaran ng horse racing industry sa bansa.

Dumating kahapon sa bansa sina Japanese Racing Association Facilities Co. LTD. Director Kazuhiro Youfu at JRA Facilities Co. LTD. Adviser Sadamichi Imabayashi para ibahagi ang kaalaman upang mas maitaas ang kalidad na karera at pasilidad sa tatlong premyadong racetrack sa bansa.

“We are bringing them (JRA executives) here so as to put a standard on all of the racing tracks for them (tracks) to be safe, for the protection of our jockeys and horses when they race,” pahayag ni Philracom Chairman Andrew Sanchez.

ALAMIN: Ano nga ba ang EBET Law na pinirmahan ni PBBM

Ibinida ng Philracom chief na sina Youfu at Imabayashi ang nagsasaayos sa pagmintina ng 10 racetrack sa Japan para manatili ang maayos at ligtas na karera para sa jockey at mga kabayong kalahok.

“They will give individual reports on each of the three race tracks in the country to emphasize kung ano ang kulang, kung paano mako-correct and how to maintain them. And from their findings and recommendation, we will put this as a requirement to the clubs,” ayon kay Sanchez.

Bumisita ang Japanese official sa Philracom office sa Makati City bago tumulak patungong MJCI’s San Lazaro Leisure & Business Park sa Lantic, Carmona, Cavite; Saddle & Clubs Leisure Park (Santa Ana Park) Race Track sa Sabang, Naic, Cavite, at Metro Manila Turf Club Race Track sa Malvar at Tanauan City, Batangas.

“We figured we have to have a standard na hindi dapat sa amin manggagaling, we are not professionals like them (Japanese) on race track maintenance and care. So that when they do it, it’s really professionals that are telling us how to maintain or even improve the race tracks,” pahayag ni Sanchez.

Sa pagnanais na maisaayos at maitaas ang level ng karera sa bansa, hinikayat ng Philracom ang ilang eksperto sa industriya na bumisita sa bansa para magsagawa ng pag-aaral at assessment sa kalagayan ng mga racetrack sa bansa, gayundin sa kalidad ng mga jockey at mga pangkarera.

Nitong Pebrero, dumating sa bansa si International racing consultant Ciaran Kennelly na nagbigay nang mataas na grado sa Pilipinas bilang bagong miyembro ng International Federation of Horseracing Authorities (IFHA).

Malaking tulong sa industriya ang maging bahagi ng IFHA, ayon sa Philracom.