KATHRYN AT DANIEL copy

WALANG kapaguran sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo sa pagpo-promote ng pelikula nilang Can’t Help Falling in Love na showing na sa Sabado de Gloria.

Sa second presscon ng Star Cinema movie, galing pa sa Cebu ang magka-love team at dumiretso sa presscon at kahit pagod, magiliw pa ring humarap sa media at sinagot ang mga tanong.

“Sobra na akong excited sa showing ng movie. Actually, halu-halo ang pakiramdam, mas excited at kinakabahan ako for the fans dahil iba ang pelikulang ito,” panimula ni Kathryn.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Ganoon din ang pahayag ni Daniel, excited at kinakabahan siya, pero tiniyak na magugustuhan ng fans, at maging hindi nila fans, ang Can’t Help Falling in Love mula sa direksiyon ni Mae Cruz-Alviar.

Sa presscon, in-announce na from 270 theaters nationwide, ipalalabas ang KathNiel movie sa more than 300 theaters.

Isa pang magandang balita, B ang rating ng movie sa Cinema Evaluation Board at nagustuhan din ito ng mga taga-MTRCB nang i-review.

Post-birtday presentation ni Kathryn ang pelikula nila ni Daniel dahil birthday niya noong March 26 at advance birthday presentation naman ni Daniel na birthday sa April 26.

Nakakaaliw ang sagot ni Daniel nang tanungin kung paano niya ipinararamdam sa guys na may gusto kay Kathryn na girlfriend na niya ang ka-love team?

”Tatanga-tanga sila kung ‘di nila alam ‘yun,” sabi ng aktor.

Pero klaro namang sinabi ni Daniel na hindi siya seloso, at si Kathryn ngayon ang mas selosa sa kanilang dalawa.

(Nitz Miralles)