ISANG espesyal na line-up ng mga programa ang handog ng GMA Network ngayong Semana Santa.

Ngayong Huwebes Santo, simula 7 AM ay mapapanood ang Alien Monkeys, kasunod ang Wonderballs ng 7:30 AM, at pagsapit ng 8:00 AM ay ipapalabas naman ang Alamat ng Matsing/Alamat ng Saging. Susundan ito ng line-up ng mga paboritong anime series na Ghost Fighter (8:45), Voltes V (9:15), Bleach (9:45) at Dragon Ball Z (10:15).

Mapapanood din ang Doraemon Movie: Nobita & The Mysterious Wind Wizard simula ika-11 ng umaga, kasunod ang The Ten Commandments ng (12:30 PM) at Son of God (3:30).

Sa ika-6 ng gabi, tampok naman sa The 700 Club Asia Presents: Sais Katorse: The Aubrey Juanta Story na kuwento at aral ng isang babaeng pinagsamantalahan ng sariling ama simula noong siya ay anim na taong gulang pa lamang hanggang sa kanyang pagdadalaga.

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

Mapapanood naman ang ilan sa paboritong episodes ng Kapuso Mo, Jessica Soho (simula 6:30 ng gabi).

Hollywood blockbuster films naman ang mapapanood simula 8:30 ng gabi. Ang 1998 na pelikulang hango sa libro ng Exodus na The Prince of Egypt at kasunod ang E.T. the Extra Terrestrial ni Steven Spielberg.

Bukas, Biyernes Santo, muling itatampok ng Kapuso Network ang Alien Monkeys sa ika-7 ng umaga at Wonderballs ng 7:30.

Mapapanood din ang original 3D animation ng Kapuso Network na Alamat ng Gagamba tampok ang boses ni Bianca Umali at Alamat ng Dama de Noche na boses naman ni Frencheska Farr.

Simula 8:45 hanggang 10:15 ng umaga isasalang ang paboritong anime series ng kabataan na Ghost Fighter, Voltes V, at Dragon Ball Z.

Ihahandog din ng Kapuso Network ang kinilalang programa sa buong mundo na Power to Unite ni Ms. Elvira Yap-Go sa ika-11 ng umaga.

Gabay naman sa pagninilay ang mapapanood sa live telecast ng Siete Palabras na gaganapin sa Sto. Domingo Church simula alas-12 ng tanghali hanggang ika-3 ng hapon. Susundan ito ng animated film na Dayo: Sa Mundo ng Elementalia na bida si Michael V., at Ibong Adarna na pinangungunahan naman ni Rocco Nacino, sa ika-4 ng hapon.

Pagsapit ng 6 PM, mapapanood ang kuwento ng isang lalaking nakipagkaibigan sa mga duwendeng namimigay ng limpak-limpak na salapi sa The 700 Club Asia Presents: Nuno: The Armond Valdez Story.

Mapapanood naman ang My House Husband sa ika-6:30 ng gabi, bida sina Ryan Agoncillo at Judy Ann Santos.

Sina Marian Rivera at Richard Gutierrez naman ang mapapanood pagsapit ng 8:30 PM sa My Lady Boss.

Mapapanood din sina Mikael Daez at Andrea Torres sa Fight for Love, ang international action drama film na joint project ng GMA Network at Cambodian Television sa ika-10 ng gabi.

Sa Sabado de Gloria, mapapanood ang back-to-back cartoons na My Little Pony: Friendship is Magic, 7:00 ng umaga at Barbie Dreamtopia, pagsapit ng 7:30.

Bibigyang-buhay naman ni Tonipet Gaba ang karakter ni Bakunawa sa Alamat: Ang Bakunawa at ang Pitong Buwan (8:30), kasunod ang episode na pinagbidahan ni Zymic Jaramilla bilang Bulan sa Alamat ng Sampaloc.

Iba’t ibang animated programs din ang mapapanood simula 8:45 hanggang 10:15, gaya ng Larva, One Piece, Virtua Fighter at Dragon Ball Z.

Simula 11 AM, mapapanood ang Doraemon Movie: Nobita’s Great Battle of the Mermaid King at Land Before Time ng 12nn, Scooby Doo ng 1 PM, Over the Hedge ng 2:30 at Happy Feet pagsapit ng 4 PM.

Mapapanood ang Tanikala: Wasak na kuwento ng mga pinagdaanan ni Ptr. Jonaver Luklukan nang malulong siya sa droga at iba pang bisyo bago makilala si Kristo, sa ika-5:30 ng gabi.

Pagkagat ng dilim, mapapanood ang Tatlong Araw tampok ang tatlong maiikling pelikula na sumasalamin sa buhay at pagkamatay ni Kristo, Ang Kumpisalan, Burol ng Bayani, at Huling. Bawat segment ay susundan ng repleksyon na pangungunahan ng mga kilalang Kerygma preachers na sina Bo Sanchez, Arun Gogna, Alvin Barcelona at Obet Cabrillas.

Bibigyang-buhay naman ni Dingdong Dantes ang karakter ni Argel “Boy Pitik” Corpus na nahatulang makulong nang masangkot sa pagnanakaw sa isang bangko at nakapatay ng ilang inosenteng tao, sa APT Entertainment Lenten Special na Selda 1430, 7:30 ng gabi.

Tampok naman ang pelikulang Jack the Giant Slayer ni Nicholas Hoult simula ika-9:30 ng gabi, at susundan ng Way of the Cross pagsapit ng 12mn.

Panoorin ang espesyal na mga programang handog ng Kapuso Network at bigyang halaga ang mga aral nito ngayong Holy Week simula Abril 13 hanggang Abril 15 sa GMA-7.