Kalaboso ang isang lalaki na nakuhanan ng mga pulis ng replica ng caliber .45 baril at hinihinalang shabu sa Makati City, nitong Martes ng gabi.

Nakatakdang sampahan ng kasong possession of guns with pellet bullets at paglabag sa Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002) sa Makati Prosecutor’s Office si Ben Richard Reyes, ng No. 11 Street, Barangay West Rembo.

Sa ulat na natanggap ni Southern Police District (SPD) Director, Chief Supt. Tomas Apolinario, Jr. dakong 11:00 ng gabi ikinasa ng mga tauhan ng Intelligence Unit ng Makati City Police ang Oplan Sita sa No. 11 St., Bgy. West Rembo.

Napansin ng mga pulis ang kahina-hinalang kilos ng suspek kaya nilapitan at sinita nila ito.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Nang kapkapan, nakuha sa bulsa ni Reyes ang isang pekeng baril at isang plastic sachet ng hinihinalang shabu. (Bella Gamotea)