GAMU, Isabela – Arestado ang barangay tanod sa buy-bust operation sa Gamu, Isabela nitong Sabado.

Naaresto si Abraham Quilang y Cabarles, high value target, 36, at taga-Barangay Upi, Gamu, sa buy-bust operation na ikinasa ng mga tauhan ng Gamu Police at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA)-Region 2 sa Roxas-Gamu Road, Bgy. Upi, bandang 5:30 ng hapon.

Nakumpiska ng pulisya sa nasabing operasyon ang isang plastic sachet na naglalaman ng 0.05 gramo ng hinihinalang shabu, at P1,000 marked money. (Liezle Basa Iñigo)
Probinsya

Barangay captain, bodyguard arestado sa kasong estafa, illegal possession of loose firearms