LA PAZ, Tarlac – Sugatan ang driver ng isang pick-up truck gayundin ang tatlong pasahero niya makaraang makagitgitan ang isa pang pick-up habang bumibiyahe sa La Paz-Zaragosa Road sa Barangay San Roque, La Paz, Tarlac, nitong Sabado ng umaga.

Kinilala ni SPO1 Guilliver Guevarra ang mga biktimang sina Ronnel Ermita De Guzman, driver ng Nissan Navarra; Rommel Ermita, 46; Emily Ermita, 46; at Roniel Ermita De Guzman, 12, pawang taga-Bgy. Aglipay, Rizal, Nueva Ecija.

Tumakas naman ang driver ng Mitsubishi pick-up truck na nakagitgitan ng mga biktima.

Dakong 7:10 ng umaga nitong Sabado, patungong kanluran ang Navarra nang biglang nag-overtake ang Mitsubishi pick-up at aksidenteng nasagi sa gilid ang Navarra hanggang nawalan ng kontrol at bumalandra sa kalsada. (Leandro Alborote)

Probinsya

Kapatid ng nasawing coastguardian sa MV Trisha Kerstin 3, giit na walang natanggap na update mula sa PCG