ISULAN, Sultan Kudarat – Nagkabakbakan ang grupo ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) at Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) sa bahagi ng Barangay Midpandacan sa General SK Pendatun, Maguindanao.

Hindi pa malinaw kung may nasawi o nasaktan sa sagupaan, na kinasasangkutan ng grupo ni Malambeg Guiad, ng 108th Base Command ng MILF, at ng isang Gani Saligan ng BIFF, at tinatayang nasa 50 armado ang nagbakbakan.

Sinabi ni General SK Pendatun Mayor Datu Phong Pendatun na hindi naman gaanong nakaapekto sa mga sibilyan ang nasabing labanan, bagamat ilang residente pa rin ang piniling lumikas sa takot.

Patuloy namang nakaantabay ang mga tauhan ng 33rd Infantry Battalion. (Leo P. Diaz)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog