Inihahanda na ang pagpapatapon sa mag-asawang Syrian na miyembro ng Islamic State of Iraq and Syria (ISIS), ayon na rin sa kahilingan ng Kuwait.

Ayon kay Justice Secretary Vitaliano Aguirre II, ang mag-asawang sina Hussein Aldhafiri at Rahaq Zina ay inaresto sa Bonifacio Global City, Taguig nang makatanggap ng intelligence report ang mga awtoridad na miyembro ng ISIS ang dalawa.

Base sa report, sangkot si Aldhafiri sa paggawa ng mga pampasabog at kinumpirma rin ng pamahalaan ng Kuwait na miyembro ng ISIS sina Aldhafiri at Zina. (Beth Camia)

National

Agusan del Sur, nilindol ng magnitude 5.3