Sa kulungan ang bagsak ng isang ginang na nagtangkang lunurin ang apat na buwang gulang niyang anak sa Manila Bay, sa Malate, Maynila, iniulat kahapon.

Kasong paglabag sa Republic Act 7610 o Anti-Child Abuse Law ang isinampa laban kay Jane Gonzales, 33, ng Malate, nang ilublob niya ang kanyang anak sa dagat sa Manila Bay.

Sa ulat mula sa tanggapan ni Police Supt. Rodrigo Ramos, station commander ng Manila Police District (MPD)-Station 9, bandang 10:30 ng umaga dinakip ng mga nagpapatrulyang tauhan ng Roxas Boulevard Police Community Precinct (PCP) si Gonzales.

Una rito, sa kasagsagan ng pagpapatrulya ng awtoridad, isang concerned citizen ang nagsumbong sa kanila na may isang babaeng nagtangkang lunurin ang isang sanggol.

National

Bulkang Kanlaon, alert level 3 pa rin!

Agad rumesponde ang mga pulis sa lugar at iniligtas ang sanggol mula sa kapahamakan.

Aminado si Gonzales na nakainom siya ng alak at kababatak lamang ng shabu nang ilublob ang anak sa dagat.

Aniya, nagawa niya ang krimen dahil sa problema nila ng kanyang mister na tumangging magbigay ng sustento sa kanya at sa lima nilang anak.

Kasalukuyang nakakulong si Gonzales habang ang kanyang anak ay pansamantalang itinurn over Manila Social Welfare Development (MSWD). (Mary Ann Santiago)