SIMULA na ang bakbakan sa 2017 MBL Open basketball championship ngayon kung saan kaagad magtutuos ang defending champion FEU-NRMF-Gerry’s Grill at Victoria Sports-MLQU at Emilio Aguinaldo College at Wang’s Ballclub-Asia Tech sa EAC Sports Center sa Ermita, Manila.

Sa pangunguna ni 2016 MBL MVP Clay Crellin, ang Fairview, Quezon City-based Tamaraws nina manager Nino Reyes at consultant Pido Jarencio ay itinuturing na team to beat sa prestihiyosong kumpetisyon na ginaganap sa ika-18th sunod na taon.

Si Crellin, ang 6-4 Fil-Canadian sensation na lumikha ng malakas na ingay nung nakalipas na taon, ay muling mangunguna sa opensa ng FEU-NRMF na sasabak laban sa matikas na Victoria Sports-MLQU simula 7:30 p.m.

National

Agusan del Sur, nilindol ng magnitude 5.3

“I can’t wait to get started,” pahayag ni Crellin, ang high-flying, slam-dunking “Human Dynamo mula sa Vancouver, Canada.

Makakatuwang ni Crellin ang import na si Moustapha Arafat, ex-PBA stars Jerwin Gaco at Egay Billiones at beteranong sina Erwin Sta. Maria, Edwin Asoro, Eugene Tan, Dexter Zamora at Christian Manalo.

Ang mga PBA D-League veterans na sina Nikko Lao at Jason Grimaldo naman ang mamumuno sa Victoria-MLQU, na umaasang muling papaimbulog sa tulong nina coach Rainier Carpio at playing-manager Jomar Acuzar.

Ang EAC, runner-up sa FEU-NRMF nung nakalipas na taon, at Wang’s Ballclub-AsiaTech ay magtutuos naman ganap na 6 ng gabi.

Pangungunahan ang Generals nina EAC president Dr. Jose Paulo Campos at coach Ariel Sison, habang ang Wang’s Ballclub ay sasandigan nina businessman-sportsman Alex Wang at coach Pablo Lucas.

Kabilang sa lineup ng EAC sina Jeric Fiego, Rustan Bugarin, Haspee Altiche, Edric Estacio, Edlor Cayabo, Christian Ubay, Allan Martin, CJ Cadua, Arjel Natividad, Jozhua General, Mark Gonzales at Cedric Umali.