INFANTA, Pangasinan – Natagpuang lumulutang sa balon na ginagamit sa paggawa ng asin ang isang taong gulang na bata sa Barangay Cato sa Infanta, Pangasinan.
Ayon sa pulisya, dakong 4:30 ng hapon nitong Huwebes nang madiskubre ng isang nagtatrabaho sa asinan ang pagkakalutang ni Laline Joy Alonzo, taga-Bgy. Cato, sa balon.
Napag-alaman na kapwa naglalaba ang mga magulang ng bata nang matagpuan ito sa balon. (Liezle Basa Iñigo)