Nasawi ang isang ginang habang malubha naman ang lagay ng kanyang anak at biyenang babae makaraang magkaroon ng pagsabog sa kanilang bahay sa Kabugao, Apayao.

Kinilala ng Kabugao Municipal Police ang namatay na si Brihida Taan Tagguid, 57, habang ginagamot pa sa Apayao Provincial Hospital ang nasugatang sina Susing Taan Tagguid, 13, Grade 6 student; at Magsaysay Saleng Tagguid, 62, pawang taga-Barangay Masimut, Kabugao.

Ayon sa pulisya, natutulog ang mga biktima nang magkaroon ng malakas na pagsabog, na hinihinala ng pulisya na dulot ng gas leak. (Fer Taboy)

Probinsya

Lolang bibisita sa City Jail, timbog matapos mahulihan ng ilegal na droga