Inatasan kahapon ng Office of the Ombudsman si dating Pangulong Benigno Simeon Aquino III na magkomento sa motion for reconsideration na isinampa ng dating kasamang akusado nito sa ilegal na paggamit ng Disbursement Acceleration Program (DAP).

Tinukoy ng special panel of investigators ng Ombudsman ang isinampang mosyon ni dating Department of Budget and Management (DBM) Secretary Florencio “Butch” Abad nitong Marso 13, 2017 na kinukuwestiyon ang desisyon ng anti-graft agency noong Marso 7 na may sapat na batayan para kasuhan siya sa Sandiganbayan.

Inabsuwelto ng Ombudsman ang dating pangulo ngunit pinakakasuhan naman si Abad ng paglabag sa Article 239 (Usurpation of Legislative Powers) ng Revised Penal Code (RPC) matapos umano itong maglabas ng National Budget Circular (NBC) No. 541 upang ipatupad ang DAP na pinondohan ng P72 bilyon noong 2014.

Natuklasan sa imbestigasyon na sinaklawan ni Abad ang kapangyarihan ng Kongreso nang baguhin nito ang mga probisyon sa pag-iimpok ng 2012 General Appropriations Act (GAA). (Rommel P. Tabbad)

Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon