BINMALEY, Pangasinan – Isang kawani ng munisipyo ang nasawi makaraang pagbabarilin ng riding-in-tandem criminals sa Barangay Linoc, Binmaley, Pangasinan, nitong Miyerkules.
Kinilala ng pulisya ang biktimang si Estardy Manaois, 57, kawani ng pamahalaang bayan ng Binmaley at residente ng Bgy. Linoc.
Ayon sa report, pauwi na ang biktima sakay sa kanyang motorsiklo matapos ang kanyang night duty sa Binmaley Public Market nang pagbabarilin siya ng dalawang magkaangkas sa motorsiklo bandang 8:38 ng umaga nitong Miyerkules.
Paghihiganti ang hinihinalang motibo sa krimen dahil si Manaois ang pangunahing testigo sa isang kaso ng murder at frustrated murder. (Liezle Basa Iñigo)