060417_BacoorFire09_vicoy copy

BACOOR, Cavite – Nasa 1,000 pamilya ang nawalan ng tirahan nitong Miyerkules makaraang mauwi sa limang-oras na pagkatupok ng 600 bahay ang umano’y paglalaro ng posporo ng ilang bata sa Barangay Maliksi III sa Bacoor, Cavite.

Sinabi nina Supt. Christopher F. Olazo, hepe ng Bacoor Police, at Fire Marshal Supt. Robert M. Pacis na walang nasawi sa sunog na nagsimula bandang 3:00 ng hapon at naapula dakong 8:05 ng gabi nitong Miyerkules.

Pawang gawa sa light materials ang mga bahay na natupok, at umabot sa 30 fire truck ang rumesponde sa sunog, na inabot ng ikalimang alarma.

Human-Interest

Netizen, ayaw na magbigay ng regalo sa pamilya niyang hindi marunong mag-appreciate

Ayon kay Pacis, nahirapan ang mga bombero sa pag-apula sa apoy dahil sa makikipot na eskinitang patungo sa lugar.

Batay sa paunang report, sinabi ni Pacis na nagsimula ang sunog sa bahay ng isang Raffy Ola kung saan may nakakita umano sa paglalaro ng mga bata ng nakasinding palito.

Hindi pa tukoy ang halaga ng natupok na ari-arian.

Sinabi naman ni Olazo na nasa 475 pamilya o 2,153 katao ang tumutuloy ngayon sa Maliksi Elementary School compound, habang ang ilan naman ay pansamantalang nakituloy sa mga kaanak at kaibigan. (ANTHONY GIRON)