ILALARGA ng Tenpin Bowling Affiliation of Makati, Inc. (TBAM) ang ika-28 TBAM-Boysen Easter Open Bowling Championship at 2017 TBAM Juniors-Prima Pasta Challenge sa Abril 6 to 23 sa Superbowl, Makati Cinema Square.

Inorganisa ng TBAM board of directors, sa pamumuno ni President Dante Fuentes, ang taunang torneo na may kategorya sa Mixed Open, Men’s Graded, Men’s Associate, Men’s Seniors, Ladies’ Seniors, Mixed Ladies, Mixed Youth at Mixed 15-and-under.

Matatapos ang torneo sa Easter Sunday mass celebration sa Superbowl sa 11:00 ng umaga

Idedepensa ni Benshir Layoso , gayundin ng iba pang kampeon (Mixed Open Masters); Abbie Gan (Mixed Ladies); Kenzo Umali (Youth); JD Campos (Men’s Graded); Orlean Batistil (Men’s Associate); Manny Laurel (Men’s Seniors); at Offie Marino (Ladies’ Seniors).

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Naghihintay ang kabuung premyo na P600,000.0.

Para sa karagdagang detalye, makipag-usap kay Tina Villaluz (09178221215).