PIA AT MARLON copy

SA latest Instagram post ng Fil-Swiss racecar driver na si Marlon Stockinger, makikitang magkasama sila ng girlfriend niyang si 2015 Miss Universe Pia Wurtzbach.

Pinasisinungalingan nito ang kumakalat na intrigang nagkakalabuan o naghiwalay na sila.

Sa pamamagitan din ng kanyang Instagram story, nakasaad na siya at ang kanyang girlfriend ay hindi apektado ng mga isyung gumugulo ngayon sa kanilang relasyon.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

‘Ika nga’y action speaks louder than words, kahit pa may naiulat na weeks ago in-unfollow nila ang isa’t isa sa social media.

Mukha ngang okay pa naman sila, batay sa nasabing posts.

Tila dedma si Marlon sa pasabog ng kanyang ex-girlfriend na Kit Barraquias na siya ang biological father ng kanilang seven year-old twins.

Sa ngayon, wala pang reaction si Marlon tungkol dito. (ADOR SALUTA)