Pinapayuhan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang mga motorista na humanap ng alternatibong ruta at iwasang dumaan sa Taft Avenue sa Maynila sa Abril 13-15 (Huwebes Santo hanggang Sabado de Gloria).
Ito ay bunsod ng pagsasara sa trapiko ng northbound ng Taft Avenue mula 11:30 ng gabi hanggang 3:00 ng umaga; at 10:00 ng umaga hanggang 6:00 ng gabi sa nasabing petsa.
Ayon sa MMDA, magsasagawa ng pagkukumpuni para sa pagpapalit ng kable ng 750 VDC sa substation No. 4 ng Light Rail Transit (LRT) sa Taft Avenue, malapit sa LRT 1 Pedro Gil station. (Bella Gamotea)