PURA, Tarlac - Halos kumulo ang dugo ng isang 56-anyos na lalaki matapos isumbong sa kanya ng sariling misis ang panghihipo umano rito ng isa nilang kabarangay kaya naman sinugod niya ng taga ang salarin sa Barangay Linao, Pura, Tarlac, nitong Lunes ng gabi.

Matapos tagain sa kaliwang bahagi ng ulo si Jake Palama, 54, may asawa, ay boluntaryong sumuko sa barangay si Ignacio Lomboy, na kaagad namang dinala sa himpilan ng Pura Police.

Nauna rito, nakipag-inuman pa si Lomboy sa kanyang mga kapitbahay bago umuwi sa bahay upang kumuha ng jungle bolo at sinugod ng taga si Palama. (Leandro Alborote)

Probinsya

Lolang bibisita sa City Jail, timbog matapos mahulihan ng ilegal na droga