Nataranta ang mga manonood at naunsiyami ang isa sanang masayang liga makaraang tamaan ng ligaw na bala ang isang binatilyo sa basketball court sa Pasay City, nitong Lunes ng gabi.

Agad isinugod sa San Juan de Dios Hospital si Malek Borlongan, 23, ng Park Avenue, Barangay 79, Pasay City, sanhi ng tinamong tama ng bala sa hita buhat sa hindi batid na kalibre ng baril.

Sa pagsisiyasat ni SPO1 Giovannie Arcinue, ng Station Investigation and Detective Management Branch (SIDMB) ng Pasay City Police, dakong 7:00 ng gabi tinamaan ng bala si Borlongan sa Barrio Sto. Nino, Bgy. 79.

Isa si Borlongan sa mga nanonood ng liga nang biglang makaramdam ng pamamanhid sa hita hanggang sa nadiskubreng dumudugo na ito.

National

Agusan del Sur, nilindol ng magnitude 5.3

Wala naman umanong narinig na putok ng baril ang mga tao sa lugar kaya ipinagtataka nila kung saan nanggaling ang ligaw na bala.

Patuloy ang imbestigasyon sa insidente. (Bella Gamotea)