Bayani kung ituring ng mga taong kanyang iniligtas sa kapahamakan ang isang pulis na pumatay sa isa sa tatlong holdaper, sinasabing miyembro ng “estribo” gang, sa bus sa EDSA, Quezon City kahapon.

Humanga at pinasalamatan ni Quezon City Police District (QCPD) director Chief Supt. Guillermo Eleazar si PO2 Joselito Lantano, nakatalaga sa Police Security and Protection Group sa Camp Crame.

Sa report ni Police Supt. Pedro Sanchez, hepe ng Kamuning Police-Station 10, inilarawan ang nasawing suspek na kayumanggi, 5’5” ang taas, at nagtamo ng tama ng bala sa katawan.

Habang ang dalawa pang suspek ay kinilalang sina James Midrano at Mark Lee Mahinay na kapwa nasa hustong gulang.

National

Agusan del Sur, nilindol ng magnitude 5.3

Base sa imbestigasyon ng Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU), bandang 3:00 ng madaling araw nangyari ang insidente sa loob ng Diamond bus (GYB-139).

Habang binabaybay ng bus ang EDSA kamuning flyover patungo sa Caloocan, nagdeklara ng holdap ang napatay na suspek at nagpaputok ng baril.

Lingid sa kaalaman ng suspek, nasa likuran niya si Lantano na noong mga oras na iyon ay naka-off duty at agad binaril ang suspek habang inaresto naman ng mga rumespondeng tauhan ng Kamuning Police-Station 10 ang dalawa niyang kasama.

Kasalukuyang naghihimas ng rehas sina Midrano at Mahinay. (JUN FABON)