SAN JOSE CITY, Nueva Ecija - Nagbigti ang isang 18-anyos na binata makaraang hindi na makayanan ang problema sa kanyang sarili sa pagtatali ng kable ng kuryente sa biga ng kanilang bahay sa Bonifacio Street sa Barangay Calaocan, San Jose City, Nueva Ecija.
Sa ulat ng pulisya, nadiskubre ni Cristine Catalasan, 21, na nakabigti at wala nang buhay ang kapatid na si Joseph Emmanuel Catalasan.
Nauna rito, sinabi ni Cristine na nitong Marso 29, 2017 ay nakatanggap siya ng text message mula sa kapatid na nakasaad ang: “Sorry, baka mapatawad na nila ako. Sorry, Ate.” (Light A. Nolasco)