alaska copy

WALONG batang lalaki at 13 babae ang kakatawan sa Metro Manila sa gaganaping Alaska Jr. NBA National Training Camp sa Mayo 12-14 sa Don Bosco Technical Institute at MOA Arena sa Pasay City.

Ang 21 kabataan ang masuwerteng napili mula sa mahigit 1,300 na player na may edad 10-14 na sumabak sa dalawang araw na elimination camp nitong weekend sa Don Bosco Makati.

Kabilang sa mga napili sina John Dhel Austria, 14, ng Escuela de Sophia of Caloocan; Joachin Echo, 14, ng University of Santo Tomas High School; Ian Dominic Espinosa, 13, at John Michael Vicencio, 13, ng Ateneo de Iloilo; Ronald Corj Trinidad, 13, ng Pedro Guevara Memorial National High School; Ren Cobie Tolentino, 13, ng Grace Christian College; Dietherd Torres, 13, ng La Salle Green Hills and Clarence Andrei Ramos, 14 ng Adamson University.

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

Binubuo naman ang Jr. WNBA camper nina Bonie Marylene Solis, 13, Jeehan Nikale Ahmed, 13 at Edel Jane Araza, 13 ng Chiang Kai Shek College; Princess Bj Marie Villarin, 11 ng De La Salle Zobel; Dianne Camille Nolasco, 14, ng Miriam College; Lindsey Nacional, 13, ng La Salle College Antipolo; Eriel Raven Lacanlale, 13 at Jazmine-ann Maniquis, 12, ng St. Paul College Pasig; Yza Camila Shalea Alarcon, 12, ng New Era High School; Abby Rose Ruiz, 13, ng Palawan National School; Gabbie Angeline Wong, 14, ng Fairhope Academy; Franzelle Angela Chelzea Besa, 12, ng Divine Word College of Calapan; at Crizan Phiel Pangilinan,13, ng School of the Holy Spirit, Quezon City.

Sumabak ang mga campers sa unang araw sa fundamental skills challenges, habang ang mga nakapasa ay napabilang sa advanced basketball drills at scrimmages.

Pinangunahan ang Jr. NBA evaluation committee ni Jr. NBA Coach Jeffrey Cariaso ng Alaska Aces.