Sinisikap na paunlarin at pasiglahin ang industriya ng goma sa bansa.

Inaprubahan kamakailan ng House committee on agriculture and food ang paglikha ng technical working group (TWG) na mag-aaral sa panukalang magtatatag sa Philippine Rubber Industry Development Board (PhilRubber), na magiging responsable sa pagsusulong ng industriya ng goma.

Ang paglikha ng TWG ay napagkasunduan sa pagdinig ng komite, na pinamumunuan ni ANAC IP Party-list Rep. Jose T. Panganiban, Jr., at pangangasiwaan ito ni Zamboanga del Norte 3rd District Rep. Isagani S. Amatong na may akda ng panukala (House Bill 2912). (Bert de Guzman)

Probinsya

Lolang bibisita sa City Jail, timbog matapos mahulihan ng ilegal na droga