SUAL, Pangasinan - Dumarami ang insidente ng pagpapakamatay sa ngayon, at kamakailan ay isang 34-anyos na lalaki ang nagbigti dahil umano sa problema.

Ayon sa police report, bandang 10:00 ng umaga nitong Marso 31 nang matagpuang patay si Jomar Patacsil, 34, sa pagkakabigti sa loob ng bahay nito sa Barangay Paitan East, Sual, Pangasinan.

Nauna rito, sinabi ng mga kaanak na naging malulungkutin si Patacsil nitong nakalipas na mga araw.

(Liezle Basa Iñigo)

Probinsya

Lolang bibisita sa City Jail, timbog matapos mahulihan ng ilegal na droga