UTTARAKHAND (AFP)— Kinilala ng isang Indian court ang Himalayan glacier, lawa at kagubatan bilang “legal persons” sa pagsisikap na mapigilan ang pagkasira ng mga ito, ilang linggo matapos pagkalooban ng parehong estado ang dalawa sa pinakabanal na ilog sa bansa.

Sa desisyon na naglalayong palawakin ang environmental protection sa bulubunduking rehiyon, ipinagkaloob ng korte ang legal standing sa mga glacier sa Gangotri at Yamunotri na umaagos sa sinasambang Ganga at Yamuna river ng bansa, nabigyan ng makasaysayang hatol noong Marso 20.

“The rights of these entities shall be equivalent to the rights of human beings and any injury or harm caused to these bodies shall be treated as injury or harm caused to human beings,” saad ng pinakamataas na korte sa Himalayan state ng Uttarakhand sa desisyon nitong Biyernes.

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina