Rafael Nadal, tennis
Rafael Nada (AP Photo/Lynne Sladky)
KEY BISCAYNE, Fla. (AP) — Panibagong kasabikan ang hatid ng pagbabalik-aksiyon ni Roger Federer ngayong season matapos malusutan si Nick Kyrgios sa three-tiebreaker semifinal ng Miami Open.

Nabigo si Federer sa dalawang match point sa second-set tiebreaker, ngunit matikas na bumawi sa krusyal na sandali tungo sa 7-6 (9), 6-7 (9), 7-6 (5) panalo at makausa sa championship match kontra sa mahigpit na karibal na si Rafael Nadal ng Spain.

“It’s great winning this way,” pahayag ni Federer. “It could have gone either way. It was a nail biter.”

Nagawang ma-saved ni Federer ang dalawang match point sa quarterfinal win kay Tomas Berdych.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Magtutuos sina Federer at Nadal sa court na pinagdausan nang kanilang unang paghaharap sa championship may 13 taon na ang nakalilipas.

“My biggest rival,” sambit ni Federer. “It feels like old times.”

Iginiit naman ni Nadal na kagigiliwan ng tennis fans ang pagkakataon.

I’m just excited to play against Roger always. He’s a big challenge for me, and I think for everybody,” aniya.

Ito ang unang pagsampa sa finals ni Federer sa Key Biscayne mula nang makopo ang titulo sa magkasunod na taon (2005-06). Sa edad na 35-anyos, tangan niya ang 18 Grand Slam title.

Malamya ang marka ni Nadal 0-4 sa finals ng Key Biscayne, nabigo siya noong 2005, 2008, 2011 at 2014. Ito ang ika-13 torneo na umusad isya sa finals ngayong season.

“Winning here would be something great, and an important title I haven’t won,” pahayag ni Nadal.