Naglagay ang Philippine National Police (PNP) ng Tourist Police Assistance Desk sa mga pangunahing tourist destination sa bansa ngayong tag-araw.
Sinabi ni Senior Supt. Eugene Paguirigan, Directorate for Operation ng Public Safety Division, na bahagi ito ng kanilang Oplan Sumvac o Oplan Summer Vacation 2017.
Nakaalerto ang 65,000 pulis, katuwang ang force multipliers mula sa mga barangay, civic organizations at communications group, upang agapayan, bantayan at protektahan ang mga lokal at dayuhang turista. (Fer Taboy)