TARLAC CITY – Nasawi ang isang estudyante sa Grade sa Don Bosco Technical Institute makaraang masagasaan ng pampasaherong Daewoo Bus habang tumatawid sa highway sa Barangay Burot, Tarlac City, nitong Martes ng gabi.

Nagtamo ng mga sugat sa iba’t ibang parte ng katawan at hindi na umabot nang buhay sa ospital si Mark Lesther Hipolito, 14, ng Tuscany North Estate Subdivision, Bgy. Burot, Tarlac City.

Ayon sa imbestigasyon ni SPO1 Aldrin Dayag, dakong 10:20 ng gabi nang hindi napansin ng driver ng bus na si Arnold Malonzo, 46, may asawa, ng Bgy. Talaga, Capas, ang pagtawid ng binatilyo at nabundol niya ito. (Leandro Alborote)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog