Naglaan ng tulong ang Department of Labor and Employment (DoLE) sa mga manggagawang maapektuhan ng Department Order 174 (Rules Implementing Articles 106 to 109 of the Labor Code) na ganap na ipinagbabawal ang labor-only contracting at lahat ng uri ng ilegal na kontraktuwalisasyon.

“Kami ay magiging handa para tumulong nang hindi bababa sa tatlong buwan sa mga maaapektuhan na mga empleyado,” pahayag ni Labor Undersecretary Dominador Say.

Magkakaloob ang pamahalaan ng skills training sa mga manggagawa upang mahasa ang kanilang galing. Pagkakalooban ng allowance ang mga nagsasanay. (Mina Navarro)

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador