Inihayag ni Commissioner Nicanor Faeldon ang planong magtayo ng training academy para sa mga susunod na tauhan ng Bureau of Customs (BoC) upang hubugin sila na maging malaya sa katiwalian.

Ibinunyag ni Faeldon na ang konstruksiyon ng training academy na tatawaging Manila Maritime Training District ay kabilang sa mga pasilidad na itatayo ng Bureau sa lupang okupado ng BoC sa Manila sa ilalim ng Philippine Ports Authority (PPA).

“This will be a facility where we tell our people from day one that corruption is not a practice in this bureau,” ani Faeldon.

Ang proyektong ito ay magkakahalaga ng US$10 billion at matatapos sa loob ng apat o limang taon, ani Faeldon.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Betheena Kae Unite