WASHINGTON (AP) – Ipinanukala ni President Donald Trump ang agarang pagbabawas ng $18 bilyon sa budget ng mga programa tulad ng medical research, infrastructure at community grant upang matustusan ng U.S. taxpayer, hindi ng Mexico, ang down payment para sa border wall.

Isinumite ng White House sa Congress ang mga dokumento nitong Martes, at kaagad itong inalmahan.

“The administration is asking the American taxpayer to cover the cost of a wall -- unneeded, ineffective, absurdly expensive -- that Mexico was supposed to pay for, and he is cutting programs vital to the middle class to get that done,’’ bulalas ni Senate Minority Leader Chuck Schumer, D-N.Y.

Nagbanta ang mga Democrat sa Senate na haharangin ang anumang probisyon na magkakaloob ng pondo para sa pader. Maraming Republican ang hindi rin natutuwa sa ideya at humiling na ipaliwanag ng White House ang mga detalye nito.

Internasyonal

Tinatayang 150 milyong bata sa buong mundo, nananatiling 'undocumented'

”I’d like to hear the details. What is this wall?” tanong ni Sen. John McCain, R-Ariz.