Ipinasa ng House committee on indigenous cultural communities (ICCs) and indigenous peoples (IPs) ang panukalang batas na layuning maglunsad ng mga pagsasanay sa mga katutubo upang maging health worker nang mapalakas ang health care system sa mga tribo.

Sinabi ni North Cotabato Rep. Nancy Catamco, chairperson ng komite, na isinasaad na patakaran ng estado na magkaloob ng “cheap and affordable quality medicine and appropriate medical services to citizens in far-flung areas and indigenous cultural communities.”

Pinalitan ng panukala ang House Bill 2886 na inakda ni dating Pangulo at ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo.

Sinabi ni Macapagal-Arroyo na sa kabila ng probisyon ng Konstitusyon na kinikilala ng Estado ang pagsusulong sa mga karapatan at development ng mga katutubo, wala pa ring access ang mga komunidad ng IP sa mga pangunahing serbisyo, partikular ang pangkalusugan. (Bert de Guzman)

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito