Isa-isang dinakma ang pitong indibiduwal, kabilang ang anak ng dating barangay chairman, sa anti-drug operation sa Quezon City, iniulat kahapon.
Sa report ni Quezon City Police District (QCPD) Director Police Chief Supt. Guillermo Lorenzo T. Eleazar, kinilala ang isa sa mga naaresto na si Bienvenido Aquino, Jr., alyas “Jon”, 43, anak umano ng dating barangay chairman ng Bgy. Holy Spirit, at sinasabing supplier ng ilegal na droga sa Bulacan, Pampanga, at Lucena City, Quezon Province.
Naaresto rin sa nasabing operasyon sina Randy Roy Galapon, 44; Mary Jane Legaspi, 30; Dominic Macandog, 22; Enderson Luna, 39; Kyle Romero, Allan Jay Sison; 30, at isang 17-anyos.
Base sa imbestigasyon, dakong 1:30 ng madaling araw isinagawa ang operasyon at sinalakay ang isang bahay sa No. 420 St. Anthony St., Bgy. Holy Spirit, Quezon City.
Kasalukuyang nakakulong sa QCPD headquarters sa Camp Karingal ang mga suspek. (Jun Fabon)