Sinugod kahapon ng mga militanteng urban poor group, sa pangunguna ng Kalipunan ng Damayang Mahihirap (Kadamay), ang central office ng National Housing Authority (NHA) sa Quezon City para magsagawa ng kilos-protesta laban sa eviction notice na ipinalabas kontra sa mga umokupa sa ilang pabahay sa Bulacan.

Sumali rin sa protesta ang Bagong Alyansang Makabayan, Gabriela, Kilusang Mayo Uno at Anakpawis upang ipanawagang bawiin ang eviction notice laban sa mga miyembro ng Kadamay at iba pang grupong umookupa pa sa mga housing unit sa Pandi, Bulacan.

Umapela rin ang Kadamay na i-award na lamang sa kanila ang mga nasabing pabahay, na nakalaan sa mga pulis at sundalo.

Una nang inihayag ni Housing and Urban Development and Coordinating Council (HUDCC) Chief Leoncio Evasco na sinabihan na niya ang mga opisyal ng NHA na solusyunan ang krisis sa pakikipag-dayalogo sa mga raliyista.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

(Rommel P. Tabbad at Chito A. Chavez)