PVF, atleta na ginigipit ng NSA may ayuda sa PSC.

KUNG hindi magawang ayusin ng Philippine Olympic Committee (POC), handa ang Philippine Sports Commission (PSC) na tugunan ang pangangailangan ng mga atletang naipit sa gusot ng mga National Sports Associations (NSAs).

Ibinunyag ni Fernandez, pinakamahigpit na kritiko ng Olympic body sa usapin ng non-liquidation at intra-NSA affair, na nagbuo ang ahensiya ng Arbitration and Mediation Committee upang dingin ang mga hinaing at reklamo ng mga atleta at coach laban sa kanilang mga lider.

“Hindi kami naghihimasok sa intra-NSA affair dahil supposed to be trabaho yan ng POC. But for the past years, the Olympic body remiss on its duties kaya maraming atleta ang naapektuhan. So as part of our mandate to protect the athletes and coaches, nagbuo kami ng Arbitration Committee namin,” sambit ni Fernandez.

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

Ayon kay Atty. Ramsey Quijano, legal counsel ng naturang committee, may kabuuang 14 na reklamo ang kanilang natanggap at kasalukuyang pinag-aaralan para matugunan ang pangangailangan ng mga atleta.

“We already received complaints from volleyball, billiards, judo, bowling, swimming, tennis and track and field,” sambit ni Quijano.

Ikinalungkot ni Fernandez ang katotohanan na nagkaroon ng gusot sa mga NSA dahil sa maling panuntunan na ginawa ni POC president Jose ‘Peping’ Cojuangco sa nakalipas na 12 taong pamumuno sa Olympic body.

“Kayo sa sports, alam ninyo ‘yan matagal na. For example sa volleyball, may problema ang Philippine Volleyball Federation (PVF) sa leadership, imbes na ayusin ano ang ginawa ng POC, nagtayo ng bagong grupo ang LVPI, tama ba ‘yun?,: sambit ni Fernandez.

“Si Marina Capadocia sa tennis. She’s the women’s No.1 pero inalis sa National Team dahil hindi daw makasundo ng Philta yung magulang. Imagine, the best player sa bansa, hindi mo isasama sa team. May ginawa ba ang POC dito, wala,” aniya.

Ayon kay Fernandez, kaagad na sinuportahan ng PSC ang pagsali ni Capadocia sa ITF-sanctioned tournament sa Turkey ang nakakuha ng karampatang world ranking points ang 22-anyos na multi-titled tennis player.

Sinabi ni Fernandez na susuportahan ng pamahalaan ang mga atleta kahit walang recognition ng Olympic body.

“Right now, PVF is still the recognized sports association ng international federation, but LVPI ang nagbubuo ng team dahil sila ang recognized ng POC. Kung sasali ang PVF sa tournament na hindi kailangan ng POC sanctioned, we are obliged to support the athletes,” pahayag ni Fernandez. (Edwin G. Rollon)